His Bestfriend: Ang Simula

Thursday, September 22, 2011

  

 "I got a confession to make, I don't know what happened that this sudden change has turned my world upside down. I don't know exactly what it is, it just hit me, but there is something really special about you. I think i do no longer want you as my best friend. I love you, Gab. "
Hindi makapaniwala si Gabriel sa mga salitang binitiwan ni Matt. Ang pinakamamal niyang si Matthew, sa kanyang harapan naglalahad ng pagmamahal para sa kanya. 
"Gabriel, sabihin mo ring mahal mo ako" tanong ni matt na siyang pumukaw sa kanyang pagkatulala. 
"Mahal na mahal din kita matt, buong buhay ko sa'yo lamang umikot ang mundo ko. Hindi lang ako makapaniwala na mamahalin mo rin ako ng higit sa kaibigan." ang maluluhang pagAamin ni Gab. 
"Ako na yata ang pinakamasayang tao sa mundo ngayon gabriel, sabi ni matt sabay yakap kay gabriel. 
Gumanti rin ng yakap sa gabriel. Mahal na mahal kita matt.
Unti-unti namang bumababa ng ulo ni matt, upang siya'y halikan. At ang kanilang mga labi ay nagtagpo. 
Nakapikit-mata nilang nilalasap ang pagmamahal ng isa't isa. Ito na siguro ang sinasabi nilang 7th heaven, sa isip ni Gab. 
Ngunit biglang siyang nakaramdam pagyanig.
Takot ang pumalaot sa kanyang kalooban.
Matt, Lumilindol. sabi ni gab. na siyang sanhi ng pagkaputol ng kanilang halik.
Di pa rin ngsasalita si Matt. Nakangiti at nakatingin sa kanya.
Patuloy  pa rin ang hindi kalakasang pag-yanig.

Lumilindol!! sigaw nya.

"Welcome back Mr. Amarillo." sabi ng teacher nyang si Mam Napoles.
Tawanan ang buong klase.
Thank you Mr. Acosta for waking him up. sabi ulit ng kanyang teacher sa kanyang katabi.

Pulang-pula si gabriel.
"Shit, nakakahiya", bulong niya sa kanyang sarili. 
Ok ka lang tol? sabi ng kanyang katabi na nakapatong pa rin ag kamay sa kanya balikat.
Dahan-dahan niyang tiningnan ang nagsasalita.
Si matt, siya pala ang dahilan ng kanyang pagkagising.
Nakangiti na ito, na mas lalong na ngpainit ng kanyang mukha.
"Ano naman kasi ang binasa mo kagabi at  mukhang puyat ka na naman nagyon" comment ni matt kanya.
Hindi na siya nakasagot dahil nagsalita na ulit ang kanilang teacher.
 Class your dismiss. dont forget to study for your long quiz next meeting. Ok . Goodbye, sabi ng kanilang teacher bago umalis. 
'bespren, tara na naghihintay na rin lauren". yaya ni matt sa kanya.
Si Lauren na naman, buhay pa pala yun, bulong ni Gab.
May sinasabi ka Gab, puna ni Matt habang nagliligpit ng gamit.